Garapalan na ito: Pamamaril sa loob ng bus ng dalawang pasaherong babae, naaktuhan sa CCTV

Matapos ang pagpatay, pinara ng mga salarin ang bus at bumaba sa sasakyan na tila walang nangyari, ayon sa mga pulis.

Pinagbabaril sa loob mismo ng bus ang dalawang negosyanteng pasahero.

Nakuhanan pa sa video ang pamamaril sa loob ng bus na bumabyahe pa-Maynila.

Makikita sa video, na kumakalat na sa social media, ang dalawang biktima na nakaupo malapit sa driver ng bus. Tumayo naman ang dalawang salarin at lumapit sa mga biktima saka sila pinagbabaril ng malapitan sa ulo at leeg.

Pinahinto naman ng mga salarin ang bus upang bumaba na parang walang nangyari.

Sinabi ng hepe ng Carranglan Polic sa isang panayam sa radyo na sa Cauayan City sa Isabela sumakay ang mga biktima, samantalang sa Bayombong sa Nueva Vizcaya naman sumakay ang mga salarin.

Iniimbestigahan na ng kapulisan ang karumdumal na krimen.