Garantisadong tapos ang trabaho: Lahat ng priority bills, tatapusin bago mag-Pasko—Romualdez

Kasama sa mga priority bills ay ang huling bersiyon ng national budget para sa 2024 na inaasahang ilalabas ng bicameral conference committee nitong Disyembre. 11.

Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na lahat ng priority bills na itinakda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay maaaprubahan ng House of Representatives bago ito mag-Christmas break ang Kongreso sa Disyembre 15.

“By the end of the session, all the priority bills listed by President Marcos in the Legislative-Executive Development Advisory Council and those he mentioned in his July 2022 SONA will be passed by the House,” pangako ni Romualdez.

Kasama na rito ang huling bersiyon ng national budget para sa 2024 na inaasahang ilalabas ng bicameral conference committee nitong Disyembre 11.

Ang mga sumusunod na priority measures ay nakapila na rin sa Kamara:

• House Bill (HB) 9647 o Motor Vehicle User’s Charge/Road User’s Tax),

• HB 8525 o Tatak Pinoy o Proudly Filipino Act

• HB 9662 o Blue Economy Law

“We are resolute in our mission to fulfill our legislative duties and responsibilities. Our primary focus continues to be the legislative agenda outlined by President Marcos, and we are fully committed to working diligently to pass these vital bills,” dagdag pa ni Romualdez.