Kung alam ko lang! – Baste nagsisi sa pagsuporta kay Bong Go

Dismayado si Davao City Mayor Baste Duterte sa pananahimik ni Senador Bong Go sa mga isyu na ibinabato sa pamilya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Dismayado si Davao City Mayor Baste Duterte sa pananahimik ni Senador Bong Go sa mga isyu na ibinabato sa pamilya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa talumpati sa Hakbang ng Maisug Pampanga rally, nagsisisi si Mayor Duterte kung bakit sinuportahan si Go.

“Ikaw Bong Go, kumpare ta ka, pero kung alam ko lang pala na magkakaganito.. You know ‘yung nga tao, ‘yung mga nag boto, kami mga Dabawenyo, nagboto sa imoha Bong kung alam ko lang na ganito lang ang gagawin mo sana hindi na lang,” pahayag ni Mayor Duterte.

Mas mabuti pa aniya ang mga ordinaryong Filipino dahil naninindigan at hindi takot.

Binanatan din ni Mayor Duterte ang mga nasa lehislatura at sinabing mga mukhang pera.

“Tingnan natin ang Congress at iyong Senado, may maisug (matapang) ba?” pahayag ng alkalde.

“Sana huwag silang magalit kasi totoo naman, iyong pera, hindi naman siguro lahat mukhang pera, ang legislative power lahat ng pera dumadaan dyan,” pahayag ni Mayor Duterte.

Mas bilib pa ang nakababatang Duterte kay Senador Risa Hontiveros kaysa kay Go dahil consistent na pinupuna nito ang mga maling ginagawa ng administrasyon.

Ayon kay Mayor Duterte, may panahon pa naman si Go na bumawi.

“You have time pa to redeem yourself. Ipakita sa amin that you will stand by the Filipino,” pahayag ni Mayor Baste.