Gamsahamnida! Pilipinas at South Korea, isusulong ang tulungan sa open government

Pinagusapan rin ng mga kinatawan ng dalawang bansa ang seguridad pangrehiyon at pagpapayabong ng kultura.

Nagpulong ang mga kinatawan ng Pilipinas at South Korea upang talakayin ang mga paraan upang mas mapanindigan at mapalakas pa ng dalawang bansa ang demokrasya.

Sa nasabing meeting, tiniyak ni Foreign Affairs Undersecretary Jesus Domingo kay South Korea Deputy Minister for Multilateral and Global Affairs Park Yongmin na handa ang Pilipinas na labanan ang diktadura. Pinag-usapan rin ng dalawa ang posibilidad ng isang open government partnership para sa demokrasya.

Dagdag pa ng opisyal, tinalakay rin ng dalawa ang iba pang mga bagay, gaya ng seguridad pangrehiyon at pagpapayabong ng kultura.

“Undersecretary Domingo and Deputy Minister Park also had a warm and productive exchange on regional security cooperation, energy, civil defense, social and cultural development, maritime concerns, and people-to-people exchanges including training and development of young diplomats,” pahayag ng opisyal.

Ang nasabing pagpupulong ay naganap sa South Korea.