Gamitin lang nang tama: Panukalang ipagamit sa GOCC ang sobrang pondo nito mula 2023, lusot na sa Kamara

Imbes na hayaang nakatengga ang sobrang pondo, dapat gamitin na lamang ito para tulungan ang pamahalaan para sa mga mahahalaga nitong unprogrammed projects.

Aprubado na ng House of Representatives ang panukalang hayaan ang mga government-owned and controlled corporations (GOCCs) na gamitin ang mga sobra nitong pondo mula 2023 para sa “unprogrammed appropriations.”

Aamyendahan ng House Bill (HB) 9513 ang Republic Act 11936, o ang 2023 General Appropriations Act, upang bigyang karapatan ang mga GOCC na gamitin ang sobrang pondo nito basta’t para sa mga mahahalagan layunin—kahit pa hindi ito kasama sa mga itemized allocation.

“It is an accepted fact that certain government corporations have funds far exceeding their current administrative and operational expenses, benefit obligations, and/or reserve requirements,” paliwanag ng HB 9513. “These funds lie idle in the banks or are invested in time deposits and other securities with other government and nongovernment financial institutions and results in the inefficient use of national government resources.”

Ibig sabihin, imbes na hayaang nakatengga ang sobrang pondo, dapat gamitin na lamang ito para tulungan ang pamahalaan para sa mga mahahalaga nitong unprogrammed projects.