Galvez humirit: OPAPRU gawing Department of Peace!

Ipinanukala ni Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez Jr. na palitan ang pangalan ng sariling ahensya at gawing isang departamento.

Ipinanukala ni Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez Jr. na palitan ang pangalan ng sariling ahensya at gawing isang departamento.

Ayon kay Galvez, mas magiging epektibo at malinaw ang peace process ng pamahalaan sa mga nakalipas at kasalukuyang administrasyon kung ang OPAPRU ay gagawing Department of Peace.

“Nakita namin kasi na best practices ng other countries, meron talagang institution… Meron talagang Ministry or Department of Peace,” sabi ni Galvez.

Giit niya, wala umanong “security of tenure” ang nakararaming empleyado ng OPAPRU dahil sa contractual-based na sistema sa opisina kaya makakatulong din ang pagpapalit ahensya upang magkaroon ng “career advancement” na ang mga empleyado roon.

Dagdag niya pa, mabibigyan ng mas malaking pansin ang usapin ng pagkakaroon ng tuloy-tuloy na kaayusan mula sa gobyerno para sa mga nasasakupang teritoryo ng bansa