Galit sa mandaraya ito! Kandidatong mamimili ng boto, mananagot sa batas—DILG

Sisgiuruhin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi makakaupo ang sinumang kandidato sa barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) na mapapatunayang namili ng boto.

“Tutugisin naman kayo at titiyakin na mapaparusahan dahil sa inyong pandaraya.”

Binalaan ni Interior Secretary Benhur Abalos ang mga kandidato sa nalalapit na barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) na tutugisin ng mga awtoridad ang mga mamimili ng boto na mariing ipinagbabawal sa batas.

Ayon sa opisyal, nakikipag-ugnayan na ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga electronic payment platforms para magmasid sa mga di pangkaraniwang antas ng transaksyon na maaaring mangyari sa mga susunod na araw patungong halalan sa Oktubre 30.

“Ang mga kandidatong mapapatunayan na bumibili at bibili ng boto sa pamamagitan ng mga e-payment platforms gaya ng GCash, Maya at iba pa ay mananagot sa batas at titiyakin ko, katuwang ng Comelec na matatanggal sa puwesto kahit pa manalo sila sa bilangan,” ani Abalos.

“We will ask these payment platforms to closely monitor and identify suspicious activities related to vote buying and to suspend their accounts,” dagdag pa ng opisyal.

Sinabi pa ni Abalos na nakikipag-ugnayan na rin ang DILG sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para siguruhing mayroon sapat itong suporta para manmanan ang mga kahina-hinalang transaksyon