Galing talagang China? Gatchalian duda sa pangalan ni Alice Guo

Isiniwalat ni Senador Sherwin Gatchalian na mayroong posibilidad na hindi Alice Guo ang totoong pangalan ng Bamban, Tarlac mayor.

Isiniwalat ni Senador Sherwin Gatchalian na mayroong posibilidad na hindi Alice Guo ang totoong pangalan ng Bamban, Tarlac mayor.

Ito ay matapos ilabas ni Gatchalian ang dokumento mula sa Board of Investments. Ipinapakita kasi rito ang aplikasyon ng pamilya Guo para sa Special Investors Resident Visa.

Base sa naturang dokumento, isang nagngangalang “Guo Hua Ping” ang pumasok sa bansa noong Enero 12, 2003.

“Alice Guo might be Guo Hua Ping, who entered the Philippines on January 12, 2003 when she was 13 years old. Her real birth date is on Aug 31, 1990,” pahayag ni Gatchalian.

“This is according to documents provided by the Board of Investments from the Guo family’s application for Special Investors Resident Visa (SIRV) and the Bureau of Immigration. Guo Hua Ping’s registered mother under the SIRV is Lin Wenyi,” dagdag pa nito.