Galing ng Pinoy ‘yan! Nutritionist, naging kauna-unahang ‘analog astronaut’ na Pilipino

Hindi man ganap na astronaut na maglalakbay sa outer space, umaasa si Kristine Jane Atienza na magiging inspirasyon siya ng kapwa niya Pilipino na nangangarap mapalapit sa mga bituin at lakbayin ang kalawakan.

Meta: Hindi man ganap na astronaut na maglalakbay sa outer space, umaasa si Kristine Jane Atienza na magiging inspirasyon siya ng kapwa niya Pilipino na nangangarap mapalapit sa mga bituin at lakbayin ang kalawakan.

Story text:
Bagaman wala sa mga pangarap ni Kristine Jane Atienza na maging astronaut, gumawa pa rin ito ng kasaysayan bilang kauna-unahang Pilipinong analog astronaut.

Ang isang analog astronaut ay isang indibidwal na gumaganap na astronaut sa simulasyon ng mga deep space missions. Mahalaga ang naitutulong ng mga analog astronaut dahil nakatutulong sila sa pagpaplano sa mga aktwal na misyon at sa pag-aaral para dito.

Si Atienza, 31, ay isang public nutritionist, at ang kaniyang trabaho ang nagbukas ng pinto para gumawa ito ng kasaysayan nang masama ito sa anim na araw na analog mission sa gilid ng bulkang Mauna Loa sa Hawaii. Dito naranasan ni Atienza ang kung paano mapadpad sa ibang planeta gaya ng Mars.

Bilang nutritionist, naatasan ang Pilipina na maghanda ng pagkain ng kaniyang kapwa analog astronauts.

Hindi man ganap na astronaut na maglalakbay sa outer space, umaasa si Atienza na magiging inspirasyon siya ng kapwa niya Pilipino na nangangarap mapalapit sa mga bituin at lakbayin ang kalawakan.