Galing ng Pinoy! Meggie Ochoa, wagi ng ginto; Eumir Marcial, nakopo ang silver

Nakasungit ng gintong medalya sa jiu-jitsu si Meggie Ochoa, samantalang nakopo naman ni Eumir Marcial ang pilak sa boksing. Wagi rin ng tansong medalya si Saku`ra Alforque sa karate.

Nakapaglista ang Pilipinas ng tatlo pang medalya sa Asian Games sa Hangzhou, China sa likod ng magigiting na laro nina jiu-jitsu world champion Meggie Ochoa, boksingerong si Eumir Marcial, at karatekang si Sakura Alforte.

Naibigay ni Ochoa ang ikalawang gintong medalya ng bansa ng talunin nito si Abdulla Balqees ng United Arab Emirates sa final ng women’s Brazilian -48kg Thursday.

“Sobrang overwhelming kasi ang daming nangyari papunta dito. Hanggang kahapon, may trangkaso ako so akala ko, hindi ko na kaya,” pahayag ng 33-anyos na atleta matapos ang laban nito sa XSL Gymnasium.

Nasungkit naman ni Marcial ang silver matapos mabigong talunin si Tanglatihan Tuohetaerbieke ng China sa 80 kg category ng men’s boxing.

Nakopo naman ni Alforte ang bronze sa women’s individual kata.

Sa kabuuan ay mayroon nang dalawang ginto, dalawang pilak, at 10 tansong medalya ang Pilipinas.