Galing mo, bata! PBBM pinuri si gold medalist EJ Obiena

Pinuri ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si EJ Obiena matapos nitong ipanalo ang unang ginto ng bansa sa ika-19 Asian Games sa Hangzhou, China.

Pinuri ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang premyadong pole vaulter ng Pilipinas na si EJ Obiena matapos nitong ipanalo ang unang ginto ng bansa noong Sabado, Setyembre 30 sa ika-19 Asian Games sa Hangzhou, China.

“Congratulations, EJ, on clinching our first gold in men’s pole vault at the 19th Asian Games!” ani Marcos sa isang post sa X (dating Twitter) nitong Linggo, Oktubre 1.

Matatandaang nagwagi si Obiena ng ginto matapos nito ma-clear ang 5.90 meters sa men’s pole vault finals.

Itinakda rin ni Obiena ang bagong Asian Games record, na dati ay 5.70 meters.

Pinapurihan rin ng pangulo ang iba pang atletang Pilipino na lumalaban sa Asian Games, kabilang na ang mga lumahok sa taekwondo, wushu, at tennis.

“Kudos as well to Patrick King Perez, Jones Inso, Gideon Padua, Clemente Tabugara Jr., Alex Eala, and Francis Casey Alcantara for their outstanding performances in taekwondo, wushu, and tennis!” dagdag ng Pangulo.