Galaw ng China sa WPS iligal, ‘di sibilisado! – Gibo

Binatikos ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ngayong Miyerkoles ang China kaugnay ng pambobomba ng ilang barko nito ng water cannon sa sasakyang pandagat ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.

Binatikos ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ngayong Miyerkoles ang China kaugnay ng pambobomba ng ilang barko nito ng water cannon sa sasakyang pandagat ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.

Naganap ang pambobomba ng water cannon nitong Martes, kung saan apat na sundalo ng Philippine Navy ang nasaktan. Nabasag din ang isang bintana ng barko ng Navy.

“The acts of the PRC’s agents in the West Philippine Sea are patently illegal and downright uncivilized,” saad sa pahayag ni Teodoro.

“They take great pains to mischaracterize their provocations as lawful under international law,” dagdag pa ng kalihim.

Dahil sa naturang insidente, hiniling ng Department of Foreign Affairs sa mga barko ng China na lisanin agad ang Ayungin Shoal.