Galaw ng China babantayan: Navy nagpadala barko sa Escoda Shoal

Nagpadala na ng warship ang Philippine Navy sa Escoda Shoal upang bantayan ang naiulat na reclamation activity ng China sa naturang lugar.

Nagpadala na ng warship ang Philippine Navy sa Escoda Shoal upang bantayan ang naiulat na reclamation activity ng China sa naturang lugar.

“For the past good number of days, we have had one warship stationed in the area,” pahayag ni Navy spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Roy Vincent Trinidad.

“This is to ensure that whoever is doing that, we are not sure who is doing that, whoever is piling up their corals on Sabina Shoal, we will be able to expose their activities,” dagdag pa ni Trinidad.

Kamakailan lang ay iniulat ng Philippine Coast Guard na nadiskubre nilang nagtatayo ng isla sa Escoda Shoal ang China gamit ang mga patay at dinurog na coral.

Ang Escoda Shoal ay sakop din ng exclusive economic zone ng bansa sa West Philippine Sea.