Gagawin daw ang lahat: LTO isusulong ang pagtatatak ng OR/CR panghalili sa driver’s license card

Maaaring tatakan na lamang ng LTO ang OR/CR ng mga may-ari ng sasakyan bilang pansamantalang solusyon sa shortage ng plastic driver's license cards.

Sa gitna nang kakulangang sa plastic driver’s license card, nangako ang Land Transportation Office (LTO) na ginagawa nito ang lahat upang matugunan ang nasabing problema.

Kaugnay nito, inanunsiyo ng ahensya bilang isang pansamantalang solusyon ang pagtatatak sa original/certificate of registration (OR/CR) ng mga may-ari ng sasakyan panghalili sa aktwal na driver’s license.

“Lahat ng paraan ay ating gagawin kung sakaling hindi man ma-lift itong TRO sa pagdi-distribute natin ng license cards. All suggestions are being welcomed by the agency,” sambit ni LTO chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II sa isang pahayag nitong Martes, Setyembre 5.

Dagdag pa ni Mendoza, lahat ng posibleng hakbang upang matugunan ang kasalukuyang kakulangan ng mga plastic card ay isinasaalang-alang ng LTO sakaling hindi maalis ang temporary restraining order (TRO) laban sa pagpapalabas ng ahensya ng mga license card.

Bukod sa pagtatak sa OR/CRs, tinitignan rin ng LTO ang paggamit ng electronic or digital driver’s license at ang pagpapalawig the validity ng mga lisensiya.

“We will consult with the Department of Transportation (DOTr) on what’s the best measure so that we will no longer add burden to our drivers and motorists,” dagdag ni Mendoza.

Kumpiyansa rin si Mendoza na babawiin ang nasabing TRO, na ipinataw dahil dahil sa petisyon ng dating supplier ng LTO na Allcard Inc.