Gadon sa PDEA: Mga nagpapakalat ng fake news kay PBBM, kasuhan!

Kinalampag ni presidential adviser on poverty alleviation Larry Gadon ang Philippine Drug Enforcement (PDEA) na kasuhan na ang mga nagpapakalat ng fake news kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kinalampag ni presidential adviser on poverty alleviation Larry Gadon ang Philippine Drug Enforcement (PDEA) na kasuhan na ang mga nagpapakalat ng fake news kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito’y kaugnay sa lumabas na pekeng dokumento na pinakalat ng mga vlogger kung saan kasama umano si Marcos sa watchlist ng PDEA noon.

“I strongly urged PDEA to file cases to act immediately and file cases against those spreading out fake news,” giit ni Gadon.

Ayon kay Gadon, hindi sapat na kontrahin lang ng PDEA ang naturang dokumento.

Aniya, sabit din ang naturang ahensya sa mga kumakalat na fake news tungkol sa iligal na droga.

“Your credibility and integrity is also being questioned here. If I were you, I would file cases against these people,” saad ni Gadon.

“It is not enough that you would deny the authenticity of their document. File cases now,” lahad pa niya.