Gadon sa mga Pinoy: May pang-Starbucks, beerhouse pero walang pambili bigas?

Kathang-isip lang daw ang kahirapan sa Pilipinas dahil may pambili naman daw ng mamahaling kape ang mga Pilipino.

Kathang-isip lang daw ang kahirapan sa Pilipinas dahil may pambili naman daw ng mamahaling kape ang mga Pilipino.

Ito ang sinabi ni Presidential Adviser for Poverty Alleviation Larry Gadon sa kanyang mensahe para sa mga pinoy na mahilig magreklamo sa mataas na presyo ng bigas at iba pang bilihin.

“Mahal daw bigas, 45 pesos… Isang kilo pagkain na ng isang pamilya sa 3 araw… pero araw araw nasa Starbucks gumagastos ng 200 pesos na kape at nagpapa class kakain ng packed salad na ilang piraso na lettuce at carrots at kamatis, 250 pesos… ok lang, pasosyal eh… pero 45 pesos na bigas na 3 araw kakainin ng pamilya sobrang mahal,” sabi niya.

Kinutya rin ni Gadon ang mga tricycle drivers dahil imbes na bumili ng ulam at bigas, pinagbi-beerhouse pa ang nauuwing pera.

“Mga tricycle [driver] araw araw nasa beerhouse naka park pa sa labas ng bar mga tricycle nila. May pang-inom na, may ka-table pambabae pa tapos pagkauwi ng bahay walang pambili ng ulam at bigas tapos sasabihin ano ba tong gobyerno na to gutom kami araw-araw,” ani Gadon.

“Jeepney driver, nagrereklamo mahal daw bigas pero naka-iPhone 10. Nagrereklamo kasi naka-iPhone 10 lang… walang pambili ng iPhone 15,” dagdag pa nito.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba sa 22.4 ang poverty percentage sa bansa nitong 2023 kumpara sa 23.7 noong 2021.