Gadon sa mga DDS: Wala nang boboto kay Sara sa 2028!

"Malamang na matatalo si Sara. In fact, kung maglalaban sila ni Leni ng one-on-one ay matatalo pa rin si Sara sapagkat si Leni ay may solid na 15 milyon votes."

“Malamang na matatalo si Sara. In fact, kung maglalaban sila ni Leni ng one-on-one ay matatalo pa rin si Sara sapagkat si Leni ay may solid na 15 milyon votes.”

Ito ang ipinahayag ni Presidential Adviser for Poverty Alleviation Larry Gadon matapos umalma sa mga pambabatikos ng mga pro-Duterte supporters kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Aniya, walang patutunguhan ang kampanya ni Sara Duterte sa 2028 Presidential elections kung magpapatuloy ang paninira’t pangungutya ng mga DDS kay Bongbong dahil paniguradong ‘di siya iboboto ng mga Marcos loyalists, mga Waray, at mga Ilokano.

“Ang mahirap dito sa mga bloggers na ‘to, sa mga DDS supporters na ‘to, hindi sila marunong magpolitika at mag-mathematics. Si former President Duterte, nanalo lamang siya dahil sa boto ng Marcos loyalists at mga Ilokano dahil kasi noong panahon na ‘yun ang kalaban ni Presidente Duterte ay si Mar Roxas at si Binay – parehong dilaw ‘yun,” sabi ni Gadon sa isang prescon.

“Tinawag mo kaming bangag, tinawag mo kaming adik, iboboto pa rin kita? Natural, hindi!” dagdag ni Gadon.

Dating magkaalyado ang mga Duterte at Marcos ngunit ito’y nagkalamat nang alisin ng Kongreso ang P400 milyong confidential funds ni Sara.