Gadon: PBBM maganda pamamalakad

Pinalakpakan ni Presidential Adviser for Poverty Alleviation Larry Gadon ang umano'y magandang pamamalakad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa bansang Pilipinas.

Pinalakpakan ni Presidential Adviser for Poverty Alleviation Larry Gadon ang umano’y magandang pamamalakad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa bansang Pilipinas.

Aniya, makatutulong ito upang mapaganda ang kinabukasan ng mga susunod na henerasyon.

Sinabi rin ni Gadon na hindi dapat paniwalaan ang lahat ng naninira sa pangalan ng Pangulo. Dati na umano kasing nambabatikos ang mga ito.

“Iyong mga nagsasabing hindi maganda ‘yong pamamalakad ng administrasyon, eh mga dati nang naninira ‘yan kaya huwag kayong maniwala sa kanila,” wika ni Gadon sa programang “Bagong Pilipinas Ngayon.”

“Napakaganda ng pamamalakad ni President Bongbong Marcos at napakaganda ng ating tinatahak upang mapaganda ang kinabukasan ng ating bansa at ang kinabukasan ng ating mga susunod pang henerasyon,” dagdag pa nito.