Gadon inokray pagsasalita ng English ni Bato: Anong klaseng senador ‘yan?!

"Ano ba naman klaseng senador 'yan?" Ayan ang naging tanong ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Larry Gadon patungkol kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

“Ano ba naman klaseng senador ‘yan?”

Ayan ang naging tanong ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Larry Gadon patungkol kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Pinuna kasi ni Gadon ang senador dahil hindi umano nito maipahayag ang kanyang sarili sa pagsasalita ng English.

Bukod pa diyan, maging sa paggamit ng wikang Filipino ay utal-utal din si Bato.

Dahil dito ay nanawagan si Gadon na dapat na umanong alisin si Bato bilang chairperson ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na kasalukuyang nag-iimbestiga sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) leaks.

“Itong si Senator Bato Dela Rosa ay isipin n’yo naman, he cannot even express himself in straight English. At even Tagalog, mali-mali pa, o kaya’y nauutal pa,” patutsada ni Gadon.

“Ano ba namang klaseng senador ‘yan. Kaya dapat huwag nang gawing chairman ‘yan ng committee,” dagdag pa nito.