Gadon humirit: Termino ng mga kongresista, local execs gawing 6 yrs, Prime Minister italaga

Sinusulong ni presidential adviser for poverty alleviation Larry Gadon na isabay sa pagrepaso ng economic provisions ng Konstitusyon ang ilang political provisions na aniya’y makakatulong sa bansa.

Sinusulong ni presidential adviser for poverty alleviation Larry Gadon na isabay sa pagrepaso ng economic provisions ng Konstitusyon ang ilang political provisions na aniya’y makakatulong sa bansa.

Sa ipinadalang sulat ni Gadon kina House Speaker Martin Romualdez at Senate President Miguel Zubiri, minungkahi nito na gawin nang anim na taon ang termino ng mga congressman, governor, vice governor, mayor, vice mayor at mga konsehal.

Katulad ito ng termino ng presidente, vice president at senador.

“To dispel perceptions of extending incumbent official’s terms, maintain the term limit for the President, Vice President, and Senators, with no possibility of reelection, and retain existing provisions of succession,” saad ni Gadon.

Paliwanag ni Gadon, naaaksaya lang daw ang pondo sa pagsasagawa ng eleksyon kada tatlong taon.

Aniya, P10 billion hanggang P12 billion ang ginagasta ng gobyerno para sa eleksyon, na maari raw sanang magamit sa ibang mga proyekto.

“Yan ang dahilan kung bakit hindi tayo maka-angat ng husto yung sobrang politika dito sa atin. Imagine every three years papalit ka ng ano, eh yan kung six years, dapat isabay mo na sa term ng president para isahang gastos na lang isahang eleksyon,” lahad pa ni Gadon.

Klinaro naman ni Gadon na labas ang kanyang posisyon bilang presidential adviser sa kanyang mungkahi sa pagbabago ng termino sa ilang government position.

Minungkahi rin ni Gadon ang pagtatalaga ng Prime Minister at pagbabago sa sistema ng pamahalaan sa Parliamentary system.