Gabbi Garcia ‘enjoy na enjoy’ sa pag-host ng pageant: Belong ako dito

Hindi lubos akalain ni Gabbi Garcia na ma-e-enjoy niya ang pag-host sa mga beauty pageant.

Hindi lubos akalain ni Gabbi Garcia na ma-e-enjoy niya ang pag-host sa mga beauty pageant.

Ang Kapuso actress kasi ay nakita sa dalawang televised pageants na Miss Universe Philippines at Miss Manila.

Ayon kay Gabbi, lalong napagaan ang kanyang pag-host dahil sa mga kasamahag host.

Noong Mayo 22 kasi ay co-host niya s 2022 Miss Universe na si R’Bonney Gabriel para sa 2024 Miss Universe Philippines pageant. Muli niya itong nakasama sa 2024 Miss Manila pageant noong Hunyo 22, kung saan kabilang din sa host si 2018 Miss Universe Catriona Gray.

“It’s so fun [because] everybody has the same wavelength, everybody has the same connection. And they’re just really beautiful inside and out, so it was easy to banter with them,” sey ni Gabbi.

Bukod pa riyan ay malaking tulong din umano ang pagtuturo sa kanya ni Boy Abunda ng hosting tips, kaya naman kinikilala niya ito ngayong bilang kanyang mentor.

“He’s really my mentor for hosting now. I’m learning a lot from him. He saw me in [Miss Universe Philippines], and we saw each other two or three days after that. And he’s been telling me, ‘I watched you, you have potential.’ And then I asked him, I’m so eager to learn about hosting and to improve more. So he took me in, and it’s so fun because he gave me his time to mentor me for this one,” ani pa nito.

Bagaman isa sa mga pangarap ni Gabbi ang pagsali sa mga beauty pageant, mas nakatuon na aniya siya sa pagpapabuti ng kanyang skill sa pagho-host.

“Right now, I’m focusing on hosting. I actually felt [that] I belong here, there’s this feeling. So why not improve more on it pa?” dagdag pa ng aktres.