G7 suportado ‘Pinas sa WPS issue; NSC kinilig!

Welcome para sa National Security Council ang pahayag ng G7 nations na labis nang nakababahala ang patuloy na pag-atake ng water cannons ng China sa mga barko ng Pilipinas sa South China Sea.

Welcome para sa National Security Council ang pahayag ng G7 nations na labis nang nakababahala ang patuloy na pag-atake ng water cannons ng China sa mga barko ng Pilipinas sa South China Sea.

Ayon kay NSC Adviser Eduardo Año, patunay ito na walang legal na basehan ang pag-angkin ng China sa lugar.

“We warmly welcome the recent statement from the G7 nations, delivered in Apulia, Italy expressing their serious concerns and strong opposition to any unilateral attempt to change the status quo in the East and South China Seas by force or coercion,” pahayag ni Año.

“The resolute stance of the G7 nations against the dangerous use of coast guard and maritime militia in the South China Sea, particularly the obstruction of high seas freedom of navigation, is a significant affirmation of the principles of international law and the rules-based international order,” dagdag ni Año.

Binubuo ang G7 ng mga bansang Canada, France, Germany, Italy, Japan, United Kingdom, at Amerika.

Ayon kay Año, ang pahayag ng G7 ay patunay na kinikilala ng international community ang banta na kinakaharap ng Pilipinas sa China at ang kahalagahan na panatilihin ang rule of law sa maritime disputes.

“We stand with the G7 in opposing China’s militarization, coercive actions, and intimidation activities in the region. The principles enshrined in the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) must be respected, and its role as the legal framework governing all activities in the oceans and seas must be upheld universally,” pahayag ni Año.

Sinabi pa ni Año na isa ring paalala ang pahayag ng G7 na legally binding ang 2016 Arbitral Award na iginawad sa Pilipinas.

“The Philippines remains committed to working with the international community to ensure peace, stability, and security in the region. We look forward to continued collaboration with the G7 and the international community in general in upholding maritime law and ensuring that the South China Sea remains a zone of peace, freedom, and cooperation,” pahayag ni Año.

Mahigpit na tinutulan ng G7 ang unilateral attempt ng China na baguhin ang status quo sa South China Sea sa pamamagitan ng paggamit ng puwersa o coercion.