From Congress with love: Migs Nograles, Cheeno Almario may something?

"IG Official na ba?"

“IG Official na ba?”

‘Yan ang tanong ng taong bayan matapos i-post ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Party-list Rep. Margarita “Migs” Nograles sa kanyang Instagram ang picture nila ni Davao Oriental 2nd district Rep. Cheeno Miguel Almario.

Sa kanyang Instagram, tinawag na “sunset kissed” ang caption ng picture nila ni Cheeno kung saan nakayakap ng kongresista kay Nograles.

Inuulan naman ang nasabing post ng mga reaksyon mula sa netizens pati na rin sa mga kapwa mambabatas.

Komento ni Cavite 3rd district Rep Adrian Jay “AJ” Advincula: “Kung cheeno-cheeno pa ang hinahanap… si Cheeno lang pala.”

May hirit din si Biñan Rep. Marlyn “Len” Alonte kung saan sinabi niyang “happy ninang” siya ng dalawa.

Tanong naman ni Department of Justice (DOJ) Usec. Margarita Gutierrez: “IG Official na ba?”

Kumpirmasyon na nga ba ito na nasa relasyon na ang dalawang kongresista? Matatandaan kasing tinawag na “crush” ni Cheeno sa kanyang comment sa Facebook post ni Nograles.