Friends lang daw! Bullet Jalosjos itinanggi intriga kay Dominic Roque

Sa wakas ay nagsalita na si Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos sa mga alegasyon na may namamagitan umano sa kanila ng aktor na si Dominic Roque.

Sa wakas ay nagsalita na si Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos sa mga alegasyon na may namamagitan umano sa kanila ng aktor na si Dominic Roque.

Sa panayam kay Bullet kasama sina Cong. Bong Suntay at Jay Ruiz, klinaro ni Jalosjos na hindi niya binilihan ng condo unit si Dominic.

Paliwanag niya, totoong sa kanya ang condo, pero ginawa raw niya itong AirBNB o paupahan.

Lumapit umano sa kanya si Dominic para rentahan ang naturang unit.

“Syempre, as a friend, barkada, si Dom, asked me if I want to have it rented. Natawa na nga lang ako bakit tumalon ‘yung issue sa business na binahay na,” saad ni Bullet.

Ipinakita pa ng alkalde ng Dapitan ang resibo na nagbayad ng renta sa condo si Dominic.

Nababahala din si Bullet sa kalagayan ng kanyang kaibigan na si Dominic, na matatandaang kakahiwalay lang kay Bea Alonzo.

Giit ni Jalosjos, pwedeng mapanagot sa batas ang mga taong nagpapakalat ng maling impormasyon sa social media.

“Kami pinagtatawanan lang talaga namin pero at some point kailangan talagang tumigil and I think these people have to be reprimanded. Kailangan may consequences, may batas tayo,” saad ni Bullet.