Francine, nagmaldita sa back stage ng viral na concert?

May isa na namang video na nagdidiin sa aktres na si Francine Diaz kaugnay ng viral na concert sa Occidental Mindoro kamakailan.

May isa na namang video na nagdidiin sa aktres na si Francine Diaz kaugnay ng viral na concert sa Occidental Mindoro kamakailan.

Sa isang video na nag-viral sa X (dating Twitter), isang netizen ang nagbunyag ng pagtataray ni Francine habang nasa back stage.

Batay sa video, walang pinapansin si Francine mula sa ilang fans na nagtangkang magpa-picture at kumausap sa kanya

“APPALLING! Francine Diaz snobby, irritable and bitchy right before coming up onstage and taking over Orange and Lemons’ turn to perform. You will never see real singers like Regine Velasquez and Sarah Geronimo display this level of unprofessionalism and primadonna attitude!” saad ng netizen na nagbahagi ng video.

Hati naman ang mga netizen sa comment section ng naturang post. Ang iba, nainis sa pinakitang attitude ng aktres. Ang iba naman, binigyan ng benefit of the doubt si Francine.

Matatandaang lumikha ng gulo sa social media ang naturang concert dahil sa ‘di umano’y pagsingit ni Francine sa pagtatanghal ng bandang Orange and Lemons.

Nasa stage na kasi ang banda nang biglang tinawag ng host si Francine para isingit ang kanyang performance.