Foul ‘yan! PBA player Raymond Almazan huling nanunuhol sa EDSA busway

Na-huli cam ang umano'y aktong panunuhol ni Raymond Almazan matapos itong mahuling dumadaan sa EDSA carousel busway nitong Lunes ng umaga.

Na-huli cam ang umano’y aktong panunuhol ni Raymond Almazan matapos itong mahuling dumadaan sa EDSA carousel busway nitong Lunes ng umaga.

Sa video na ipinost ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT), makikita na may nag-aabot ng pera sa isang SAICT operative.

Kinilala ng SAICT ang umano’y nanunuhol na si Almazan, manlalaro para sa PBA team na Meralco Bolts.

Agad namang tinanggihan ng officer ang inaabot sa kanya at tinekitan si Almazan.

Inisyuhan ng violation ticket na Disregarding Traffic Sign (DTS) at Failure to carry OR/CR si Almazan.

Kasunod lang ito ng mga kilalang personalidad na nahuli na rin sa EDSA busway.

Nandiyan si Chavit Singson, na nagbigay pa ng reward sa MMDA matapos mahuli ang kanyang convoy na dumaan sa bus lane.

Ang sasakyan din ni Senador Chiz Escudero ay nahuling dumaan sa EDSA carousel, ngunit nilinaw ng mambabatas na hindi siya ang nagmamaneho ng kanyang sasakyan noong mahuli ito.