Foul play malabo sa pagkamatay ng akusado sa Percy Lapid murder

Wala umanong foul play sa pagkamatay ng isa sa mga akusado sa pamamaril sa brodkaster na si Percy Lapid, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Wala umanong foul play sa pagkamatay ng isa sa mga akusado sa pamamaril sa brodkaster na si Percy Lapid, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Pumanaw noong Biyernes si Ricardo Zulueta, isa sa mga itinuturong suspek sa pagpatay kay Lapid.

Base sa death certificate ni Zulueta, cerebrovascular disease intracranial hemorrhage ang kanyang ikinasawi.

Kumbinsido ang PNP na walang foul play sa pagkamatay ni Zulueta.

“Iyong mismong kapatid po ang nagdala sa hospital at even po ‘yung common law wife po ni Mr. Zulueta ang magkakasama po sila doon,” pahayag ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo.

“A night before na dumating so noong nag-complain na parang naninikip na ang dibdib ay dinala agad nila sa ospital. However, binawian din po ng buhay,” dagdag pa niya.

Sumakabilang buhay sa edad na 42 si Zulueta. Siya ay dating opisyal ng Bureau of Corrections. Sinampahan siya ng two counts of murder kaugnay ng pagpatay kay Lapid noong 2022.