Foreign Minister ng India, bibisita sa ‘Pinas

Nakatakdang bumisita sa Pilipinas sa Marso 25 hanggang 27 ang Foreign Affairs Minister ng India na si Subrahmanyam Jaishankar.

Nakatakdang bumisita sa Pilipinas sa Marso 25 hanggang 27 ang Foreign Affairs Minister ng India na si Subrahmanyam Jaishankar.

Ang pagbisita ng Foreign Minister ay naglalayon umanong itaguyod ang kalakalan at turismo sa Pilipinas, kasama na ang kooperasyon sa depensa at maritime.

“In addition to advancing trade and tourism between two of Asia’s fastest growing economies, the foreign minister’s meeting with Secretary for Foreign Affairs Enrique A. Manalo will focus on defense and maritime cooperation, food security, development, healthcare and financial technology cooperation,” base sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Noong nakaraang buwan ay ipinakita rin ng India ang kanilang sariling mga teknolohiya at kagamitan sa militar upang tignan ang posibleng defense industry tie-ups sa Pilipinas.

Samantala, ang pagpunta ni Jaishankar ng bansa ay bahagi ng kanyang paglilibot sa Timog-silangang Asya.