Forda views pa! Vlogger na gumalaw sa 2 tarsier, lagot sa DENR

Hindi naging maganda ang kinalabasan ng vlog ng isang lalaki mula Polomolok, South Cotabato matapos nitong ilegal na hawakan at ilipat ng tirahan ang dalawang tarsier sa kanilang lugar.

Hindi naging maganda ang kinalabasan ng vlog ng isang lalaki mula Polomolok, South Cotabato matapos nitong ilegal na hawakan at ilipat ng tirahan ang dalawang tarsier sa kanilang lugar.

Kinilala ang vlogger bilang si Ryan Parreño, na ‘Farm Boy’ ang pangalan sa kanyang Facebook page.

Nagpost si Farm Boy ng isang video ngayong Miyerkoles kung saan dinampot niya ang isang tarsier at pinapangiti pa sa camera.

“Smile, baby, smile,” saad ng vlogger habang hawak ang tarsier.

Burado na sa FB ni Farm Boy ang naturang video.

Samantala, sa isa pang video, ipinakita ni Farm Boy na inilipat lamang niya ng lugar ang dalawang tarsier dahil malapit na umano ito sa kanilang komunidad.

Gayunman, inilarawan ng DENR na ‘disturbing’ ang naturang video. Pinag-aaralan na rin nila ang aksyon laban kay Farm Boy.

“The Department already investigated the matter and found out that the two tarsiers were already released by the vlogger to the wild, yet the agency is still looking for further actions to be taken on the wildlife incident,” saad ng ahensya sa kanilang social media post.

Ipinagbabawal ng R.A. No. 9147 ang paglilipat ng mga wild animal o ang pagmamaltrato at pananakit sa mga ito.