Football game ng Naga, Masbate nauwi sa rambol

Hindi lang bola kundi pati mga manlalaro ay pinagsisipa sa isang football game sa pagitan ng Naga City at Masbate kamakailan.

Hindi lang bola kundi pati mga manlalaro ay pinagsisipa sa isang football game sa pagitan ng Naga City at Masbate kamakailan.

Sa social media post ng Bossing FM 104.7 makikita ang isang manlalaro na tumakbo papasok ng football field para tadyakan ang isang kalaban na nakadapa na sa damuhan. Nasundan na ito ng habulan at mas malaking gulo sa pagitan ng magkabilang koponan.

Sa caption ng naturang post, mga manlalaro ng Naga ang nagpasimuno sa gulo. Tambak ang Naga sa laro sa iskor na 5-0.

Ang laban ay parte ng Palarong Bicol 2024, kung saan kinukuha ang magiging kinatawan ng rehiyon para sa Palarong Pambansa.

Naglabas naman ng pahayag ang lokal na pamahalaan ng Naga kung saan kinondena nito ang nangyaring karahasan.

“We emphasize that such behavior is wholly inconsistent with the values of sportsmanship, integrity, and respect that we steadfastly uphold as a delegation. We deeply regret the disruption caused by this incident and extend our heartfelt apologies to all affected parties,” saad sa pahayag ng Naga LGU.

Umaandar naman ang imbestigasyon ng mga opisyal ng palaro hinggil sa insidente.