‘Food Stamp Program’ ng Marcos admin ilalarga sa Hulyo

Sisimulan na sa Hulyo ang pag-implementa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng 'Food Stamp Program' ng administrasyong Marcos.

Sisimulan na sa Hulyo ang pag-implementa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng ‘Food Stamp Program’ ng administrasyong Marcos.

Ang programa ay nakapaloob sa Executive Order No. 44 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung saan inilunsad ang “Walang Gutom 2027: Food Stamp Program”.

Tangka ng programa na mabawasan ang bilang ng mga nakakaranas ng gutom sa bansa, sa pamamagitan ng tulong-pinansyal na ipapamahagi gamit ang Electronic Benefit Transfer (EBT) cards.

Ayon kay DSWD Undersecretary Edu Punay, ang programa ay ilalarga sa 10 rehiyon at 12 lalawigan sa bansa, kung saan 300,000 pamilya ang magiging mga unang benepisyaryo.

“This month po magsisimula na iyong validation at ating registration ng 300,000 beneficiaries para sa July na rin po natin. Naka-hire na po this month ng 1,000 validators dito sa mga implementation sites. Twenty-one provinces in 10 regions po iyan na na-identify ng ating departamento bilang priority areas,” saad ni Punay.

Noong Disyembre pa sinimulan ang pilot testing ng programa, at nakatakda itong matapos ngayong Mayo.