Focus sa goal! Romualdez, Escudero iiwasan bangayan ng Kamara, Senado

Produktibo ang naging pag-uusap nina Senate President Francis Escudero at House Speaker Martin Romualdez nitong Huwebes.

Produktibo ang naging pag-uusap nina Senate President Francis Escudero at House Speaker Martin Romualdez nitong Huwebes.

Sa pulong ng dalawang lider ng mga mambabatas, napagkasunduan ng dalawa na manatiling bukas ang kanilang linya para maiwasan na ang hindi pagkakaunawan ng Senado at Kamara.

Magtutulungan din sina Escudero at Romualdez para makamit ang ‘collaborative legislative environment’.

Ayon kay Escudero, ito’y mahalaga para masigurong magiging mabilis ang pagpasa ng mga panukalang batas na pakikinabangan ng masa.

Naging topic din sa pag-uusap nina Romualdez at Escudero ang tungkol sa mga priority bills ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) na kailangan para sa pag-unlad ng bansa.