Focus ni PBBM: High dam tatapusin problema sa tubig

Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maglatag na ng long term solution para malutas na ang problema sa water supply ng bansa.

Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maglatag na ng long term solution para malutas na ang problema sa water supply ng bansa.

Ayon kay National Irrigation Authority (NIA) Administrator Eduardo Guillen, tinitingnan ni Marcos ang pagpapatayo ng mga dam para matugunan ang kakulangan sa water supply.

“Ang bilin po ng ating Pangulo at ito naman ang ating ginagawa sa ngayon, ang future solution natin diyan, ay magtayo ng additional dams,” saad ni Guillen.

Aniya, ang mga malalaking dam sa bansa tulad ng Magat at Pantabangan ay matagal-tagal nang ginagamit kaya kailangan nang pagtuunan ng pansin na magdagdag ng mga mapag-iimabakn ng tubig.

Wika pa ni Guillen, nakikita ng Pangulo na maraming pwedeng masolusyunan ang dam bukod sa water supply.

“Ang gusto po ng ating pangulo ngayon ay matayo tayo ng mga high dam para may pang long-term solution tayo. Sabi nga niya, ‘pag may high dam ka, meron ka nang flood control, meron ka nang irigasyon, meron kang power generation, aquaculture. Saan ka pa? So, ito po ang focus ng ating Pangulo,” ayon pa sa NIA official.

Tatlo hanggang limang malalaking dam ang target tapusin ng gobyerno bago ang 2028.

Kabilang diyan ang Tumauini River Multipurpose Project sa Cagayan Valley, at ang Panay River Basin sa Panay Island.