Focus lang sa goal! Villafuerte kay PBBM: Dedmahin mga basher, troll

Pinayuhan ni Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Raymund Villafuerte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na huwag magsayang ng oras sa mga bumabatikos sa kanya.

Pinayuhan ni Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Raymund Villafuerte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na huwag magsayang ng oras sa mga bumabatikos sa kanya.

Kaugnay ito ng reaksyon ni Marcos sa ‘gentleman’s agreement’ sa pagitan ng China at ni ex-president Rodrigo Duterte. Sinabi ni Marcos nu’ng nakaraang linggo na kinilabutan siya nang malaman niya ang kasunduan.

Sinabayan naman ito ng atake mula sa mga troll at basher sa social media. Kaya payo ni Villafuerte, ituon na lamang ni Marcos ang kanyang pansin sa kanyang trabaho.

“If it concerns the nation’s business, the President responds. If it is personal, he shrugs it off,” saad ng mambabatas.

“The President’s statement on the ‘secret agreement’ has been measured, responsible, statesman-like and factual, as befits the office he holds,” wika pa ni Villafuerte.

“The President is not singling out any party when he is vocal in asserting our sovereignty on a territory which by law and history is ours,” dagdag pa niya.

Sisilipin ng Kamara ang naturang kasunduan sa Abril 29.