FLiRT Covid variant, ‘di dapat katakutan! – eksperto

Wala dapat ikabahala sa bagong variant ng COVID-19, ayon sa isang health expert.

Wala dapat ikabahala sa bagong variant ng COVID-19, ayon sa isang health expert.

Kamakailan kasi ay naiulat ang paglabas ng mga bagong variant na KP.2 at KP.3 o mas kilala rin sa tawag na “FLiRT” variant.

Sinabi ni Infectious disease expert at Philippine College of Physicians president Rontgene Solante, ang mga naturang variant ay hindi katulad ng Delta o Alpha na may mataas na panganib para sa ospitalisasyon.

“These new strains are usually upper respiratory tract manifestations — slight cough, slight sore throat, phlegm, sometimes body pains. They are mostly mild and self-limiting symptoms,” paliwanag ni Solante.

Dagdag pa nito, hindi naman umano tuloy-tuloy ang sakit variant na mga nabanggit sapagkat hindi ito lumalago.

“Unang una, hindi po tayo dapat maalarma, because this is just an ordinary uptick, ibig sabihin hindi ito tutuloy-tuloy na lumalago ang infection, hindi gaya nung 2021 or 2020,” wika pa nito.