FL Liza namigay P17.5M ayuda sa mga biktima ng Kanlaon eruption

Personal na inabutan ng tulong ni First Lady Liza Marcos ang mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Kanlaon sa Negros Occidental.

Personal na inabutan ng tulong ni First Lady Liza Marcos ang mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Kanlaon sa Negros Occidental.

Kasama ni First Lady Marcos na namahagi ng tulong ang Department of Social Welfare and Development.

Nasa P17.5 milyong cash assistance ang ipinamahagi ni First Lady Marcos.

Galing ang pondo sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng DSWD.

Nasa 1,752 na pamilya ang nakatanggap ng tig P10,000 ayuda.

Bukod dito, namahagi rin si First Lady Marcos ng mga food at non-food items.

Sa kabuuan, nasa 1,500 na residente mula sa La Castellana ang nabigyan ng ayuda maging ang mga residente ng Bago City.