FL Liza naghatid tulong medikal sa Tacloban

Nakatanggap ang nasa 2,000 na residente sa Tacloban ng tulong medikal mula sa programa ni First Lady Liza Araneta-Marcos na “Lab for All."

Nakatanggap ang nasa 2,000 na residente sa Tacloban ng tulong medikal mula sa programa ni First Lady Liza Araneta-Marcos na “Lab for All.”

Personal pang tumungo si FL Liza sa People’s Center and Library upang ihatid ang serbisyong medikal.

Aniya, layon ng programa na ito ng gobyerno na ilapit pa ang medical services para sa lahat ng Pilipino.

“When we started, only few agencies joined and there were only few donors. Now, more agencies are participating, and more private donors have been extending help,” pahayag nito.

“The Lab for All program is the brainchild of my husband. The President said we should bring government service closer to the people and not the other way around,” dagdag pa nito.

Samantala, bukod sa People’s Center and Library, pinalawak din ang programa sa ibang mga lugar sa lungsod kagaya sa Eastern Visayas State University, Tacloban City National High School, Marabaras National High School, at Leyte National High School.