FL Liza Marcos ginawaran ng honorary doctorate sa WSU

Malugod na tinanggap ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang Doctor of Laws honoris causa mula sa West Visayas State University (WVSU) College of Law nitong Sabado, Hunyo 8.

Malugod na tinanggap ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang Doctor of Laws honoris causa mula sa West Visayas State University (WVSU) College of Law nitong Sabado, Hunyo 8.

Dahil dito, lubos ang pasasalamat ng First Lady sa institusyon habang inaalala niya ang kanyang pagtatapos sa law school.

Kumuha kasi ng kanyang law degree si FL Marcos sa Ateneo de Manila University noong 1985.

Dagdag pa riyan, nag-aral din siya ng post-graduate classes sa Criminal Procedure sa New York University.

“Before anything else, allow me to express my gratitude for conferring upon me this prestigious honoris causa,” pahayag ng First Lady.

“I’m deeply humbled to receive this award. Needless to say, I shall try my best to live up to your expectations today and in the years to come,” dagdag pa nito.

Samantala, binati rin ni FL Marcos, na isang part-time propesor ng public international law sa WVSU, ang mga nagtapos sa unibersidad na kauna-unahang klase sa ilalim ng Juris Doctor program ng College of Law, Batch Banaag.

“39 years ago, I was seated where you are now, and it’s funny because look at your faces, I know exactly what you’re feeling. I can tell that you’re happy because it’s finally over and that you’ll be finally receiving your diplomas, your well-earned diplomas,” wika nito.