FL Liza, Imelda Marcos pinangunahan pagbubukas ng Marikina Shoe Museum

Pinangunahan ni First Lady Liza-Araneta Marcos at Imelda Marcos ang ribbon cutting ng The Shoe Museum sa Marikina nitong Lunes, Hulyo.

Pinangunahan ni First Lady Liza-Araneta Marcos at Imelda Marcos ang ribbon cutting ng The Shoe Museum sa Marikina nitong Lunes, Hulyo.

Opisyal nang binuksan sa publiko ang museum ng mga sapatos na dating kilala sa tawag na Footwear Museum of Marikina.

Sa post ng first lady sa Instagram, ibinahagi niya ang ilang mga kuha sa selebrasyon kung makikita na tila nagbalik-tanaw sa kanyang mga sapatos si dating First Lady Imelda Marcos.

“Was totally impressed with the craftmanship of our local shoemakers. Ang galing ninyo!! 👍” saad ni FL Liza sa kanyang Instagram.

Pinasalamatan naman ni FL Liza ang mga utak sa likod ng maayos na pagbubukas ng shoe museum sa shoe capital ng Pilipinas

“Congratulations to thw movers and shakers behind the Marikina Shoe Museum. Truly proud of what you have accomplished!! 🇵🇭,” pahabol pa niya.