FL Liza humirit kay Joey Concepcion: Sofitel workers tulungan

Humihiirit si First Lady Liza Araneta Marcos sa bilyonaryo na si Joey Concepcion na tulungan ang may 500 manggagawa na mawawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng Sofitel Philippines Plazal sa Pasay City sa Hulyo 1.

Humihiirit si First Lady Liza Araneta Marcos sa bilyonaryo na si Joey Concepcion na tulungan ang may 500 manggagawa na mawawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng Sofitel Philippines Plazal sa Pasay City sa Hulyo 1.

Ibinahagi ni Concepcion ang apela ni First Lady Marcos sa kanyang column sa Philippine Star kahapon.

“It was also the First Lady who approached us to help the displaced employees of Sofitel Philippine Plaza, which is to cease operations by the end of June. A lot of these employees are veterans in the tourism industry and I am sue they will have a lot to contribute when they start their own businesses, given their real world experiences in hospitality,” pahayag ni Concepcion.

Nagsagawa ng entrepreneurship mentoring session ang non-profit organization na Go Negosyo ni Concepcion noong Hunyo 10-11 sa mga apektadong mangagagawa kung saan binigyan sila ng tip kung paano magsimula ng negosyo.

Karamihan sa mga empleyado ng Sofitel ang nagbabalak na mag-negosyo na lamang kumpara ang maghanap ng bagong trabaho.

Nangako naman ang Go Negosyo na tutulungan ang mga empleyado ng Sofitel at bibigyan ng financial support at market partners para sa itatayong negosyo.