FL Liza binuksan bagong atraksyon sa Intramuros

Pinangunahan ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang paglulunsad ng bagong Centro de Turismo Intramuros (CDTI) - isang malaking inisyatibo upang mas mapalakas ang cultural tourism sa loob ng bahistórikong Mataas na Pader.

Pinangunahan ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang paglulunsad ng bagong Centro de Turismo Intramuros (CDTI) – isang malaking inisyatibo upang mas mapalakas ang cultural tourism sa loob ng bahistórikong Mataas na Pader.

Sa isang Instagram post ni First Lady, makikitang kasama nya sa ribbon-cutting ang Department of Tourism Secretary Christina Garcia Frasco at ang Intramuros Administrator na si Joan Padilla.

Bukas sa publiko ang CTI sa June 12, kasabay ng ika-126 na taon ng Araw ng Kalayaan, at bukas mula Lunes hanggang Sabado, 9:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi.

Ang CDTI ay magiging comprehensive na tourist hub na magsisilbing tahanan ng iba’t ibang koleksyon ng ecclesiastical items mula pa noong panahon ng panunungkulan ng mga Espanyol, kasama ang iba pang mga painting at koleksyon.

May isa ring amphitheater ang ginawa mula sa dating simbahan na maaaring gamitin sa iba’ ibang uri ng kaganapan. May mga exhibit at artifacts ding tampok sa Centro de Turismo na nagsasalaysay ng makulay na kasaysayan ng Intramuros hanggang sa kasalukuyang panahon.

Layunin ng pagbubukás ng CDTI na mas mapaunlad pa ang turismo sa Intramuros at turuan ang mga kabataan tungkol sa mayamang kasaysayan ng lugar.

Ayon kay Intramuros Administrator na si Joan Padilla, ang CDTI ay sumasalamin sa mga layunin ni St. Ignatius na nagsulong ng edukasyon at pagsisiyasat.

Sinabi naman ni John Paolo Castro, president ng Philippine Institute of Interior Designers at nanguna sa team na tinalaga ni First Lady Liza para sa interior design ng sentro, na ito ay idinisenyo upang maging “first stop” ng mga bisita para makakuha ng pangkalahatang ideya tungkol sa buong Intramuros tour.

Dagdag ni Castro na si First Lady Liza Marcos mismo ang nag-request na gawing interactive at gumamit ng audio-visual presentations ang bagong Centro de Turismo Intramuros (CDTI) para mas mahikayat ang mas nakakabatang henerasyon na bisitahin at matutunan ang mayamang kasaysayan ng Intramuros.

TINGNAN: