Fishing expedition ikakasa ng mga mangingisdang Pinoy bilang protesta vs China fishing ban

Ang mga mangingisdang kasapi ng grupong PAMALAKAYA ay handang lumahok sa dalawang araw na fishing expedition sa West Philippine Sea bilang tugon sa ipinataw na fishing ban ng China sa ilang bahagi nito.

Ayon kay Fernando Hicap, national chairperson ng PAMALAKAYA, 20 maliliit na bangka ang sasali sa expedition na gaganapin sa 20-30 nautical miles mula sa baybayin ng Masinloc, Zambales, kung saan sila ay mangingisda buong gabi.

Sabi ni Hicap, ito ay hakbang ng mga mangingisdang Pilipino upang igiit ang kanilang karapatan na mangisda sa ating exclusive economic zone at tutulan ang moratorium na ipinataw ng China na sumasalungat sa 2016 International Arbitral Ruling at sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea.

Bukod dito, bukas ay magkakaroon ng simpleng programa sa Masinloc bilang pagdiriwang ng National Fisherfolk Day, at dito rin ipapalabas ang panawagan para sa demilitarisasyon ng West Philippine Sea upang maiwasan ang posibleng tensyon at giyera sa pagitan ng US at China.