First PH president sa Shangri-La Dialogue: PBBM na sa Singapore na

Lumapag na sa Singapore si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Miyerkules upang dumalo sa International Institute for Strategic Studies (IISS) Shangri-La Dialogue.

Lumapag na sa Singapore si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Miyerkules upang dumalo sa International Institute for Strategic Studies (IISS) Shangri-La Dialogue.

Si Marcos ang kauna-unahang Pilipinong presidente na magiging keynote speaker sa nasabing defense summit.

Tatalakayin ni Marcos ang mga problemang kasalukuyang kinakaharap ng bansa – posisyon ng Pilipinas sa usaping pang-depensa at diplomasya, at ang commitment ng bansa sa kaayusan at partisipasyon sa gitna ng tensyon sa rehiyon ng Indo-Pasipiko.

“I think it’s highly significant. The invitation in itself is highly significant. The fact that they asked the Philippine President to come and speak on that very subject is significant in the sense that it is a recognition that there are challenges that are facing the Philippines,” sabi ni Marcos sa kanyang panayam sa Brunei.

Diretso mula Brunei, magtatagal ng dalawang araw ang pangulo sa Singapore mula May 29 hanggang May 31 kung saan magsasalita si Marcos defense summit sa huling araw.