First Lady nakiisa sa Pasig River inspection

Dumalo si First Lady Liza Araneta-Marcos sa pagsasagawa ng inspeksyon sa Pasig Bigyang Buhay Muli (PBBM) urban renewal and development project.

Dumalo si First Lady Liza Araneta-Marcos sa pagsasagawa ng inspeksyon sa Pasig Bigyang Buhay Muli (PBBM) urban renewal and development project.

Naging abala ang First Lady sa pagsuri sa PBBM project’s Phase 1C portion na nagkokonekta sa Intramuros.

Kasama ni Liza Marcos sa paglilibot ay sina Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar at Intramuros administration head Joan Padilla.

Dahil dito, pinasalamatan ni Acuzar si Liza Marcos sa suporta sa rehabilitasyon ng Pasig River.

Aniya, patunay lamang ito na masigasig ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. adbokasiya para sa Ilog Pasig.

“Lubos po ang akong pasasalamat sa Unang Ginang Liza Araneta-Marcos at sa Pangulong Bongbong Marcos sa kanilang buong suporta sa rehabilitasyon ng Pasig River. Ang pagbisita ng Unang Ginang ay matibay na patunay sa kanyang adbokasiya para sa Ilog Pasig,” ani Acuzar.

Samantala, kasama sa patuloy na inaayos ay ang view deck sa ibabaw ng mga inaalis na commercial shops.

Kabilang din sa disenyo ng mga shops ay nakainspire sa kilalang Intramuros wall. May mga walk paths at bike lanes rin na isinama para sa mas magandang tanawin.