First Lady Liza Marcos ginamit sa pambubudol ng P5M

Walang takot ang tatlong kawatan na kahit pangalan ni First Lady Liza Araneta Marcos ay ginagamit para makapanloko ng kapwa.

Walang takot ang tatlong kawatan na kahit pangalan ni First Lady Liza Araneta Marcos ay ginagamit para makapanloko ng kapwa.

Dinakip ng mga tuahan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang tatlong suspek sa ikinasang entrapment operation noong Lunes, March 11, sa Bluebay Walk sa Pasay City.

Nadakip sina alyas Isko, 48-anyos; alyas Joselito, 46-anyos; at alyas German na isa umanong Marines.

Nag-ugat ang police operation matapos ireklamo ang isang suspek na ilalakad umano ang emission testing at medical business nito sa Land Transportation Office (LTO) kapalit ng P5 million.

Tinakot umano ang biktima na may koneksyon ang suspek kay First Lady at kung hindi ibibigay ang pera ay maapektuhan umano ang negosyo nito.

“Si alyas ‘Isko’ ay nag-claim ng impluwensya at direktang koneksyon sa ating First Lady Marie Louise Araneta Marcos, na kung tumanggi ang biktima na ibigay ang hinihinging pera ay ipakakansela niya ang lahat ng kanyang mga transakyon sa negosyo,” ayon kayy CIDG Director PMGen Romeo Caramat Jr.

Nakuha naman sa mga suspek ang isang caliber .45 na baril, ilang magazine, at ilang dokumento.

Kakasuhan ang tatlo ng paglabag sa Article 293 ng Revised Penal Code (Robbery Extortion).