First Lady kinontra bintang na kontrolado niya appointees ni PBBM

Pinabulaanan ni First Lady Liza Araneta Marcos ang tsismis na siya umano ay may kontrol sa ina-appoint na mga opisyal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Pinabulaanan ni First Lady Liza Araneta Marcos ang tsismis na siya umano ay may kontrol sa ina-appoint na mga opisyal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay First Lady, hindi siya nakikialam sa mga galaw sa politika ng Pangulo.

Depensa pa nito, hindi siya sumasama sa mga Cabinet meeting ng Pangulo.

Pinag-iingat din ni First Lady ang mga patuloy na pumupukol sa kanya ng fake news.

“Dahan-dahan sila. If I’m in charge, lahat sila patay. Ako pa?” hirit niya.