Final answer na! MTRCB: Tuloy ang suspensiyon ng “It’s Showtime”

Tuloy na ang 12 araw preventive suspension ng programang "It's Showtime" matapos i-dismiss ng MTRCB ang motion for reconsideration nito.

Tuloy na ang suspensiyon ng programang “It’s Showtime” matapos i-dismiss ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang motion for reconsideration na inihain ng pamunuan ng kilalang noontime show.

“The [MTRCB] released a resolution dated 28 September 2023, denying the Motions for Reconsideration (MR) filed by GMA Network, Inc. and ABS-CBN Corporation,” sabi ng ng MTRCB sa isang pahayag nitong Huwebes, Setyembre 28.

Matatandaang pinatawan ng MTRCB ang “It’s Showtime” ng 12 araw na preventive suspension dahil sa pagkain ng host na si Ion Perez ng icing sa daliri ng kanyang kapwa host at kasintahang si Vice Ganda kaharap ang mga bata.

Agad namang naghain ng motion for reconsideration ang pamunuan ng “It’s Showtime” upang pigilan ang suspensiyon, subalit hindi ito inaprubahan ng MTRCB.