Final answer na: Kamara, pinaaaresto sa MMDA ang mga sasakyang may plakang ‘8’

Nauna nang sinabi ni Velasco na hindi awtorisado ang mga nasabing plaka at walang ipinamahagi ang House of Representatives.

Pormal nang napagkasunduan ng House of Representatives at Metropolitan Manila Development Authority na may kapangyarihan ang huli na arestuhin ang mga gumagamit ng plakang ‘8’ na karaniwan nang ginagamit na pagkakakilanlan ng mga miyembro ng Kamara.

BASAHIN RIN: Para malinaw lang: Plakang ‘8’ ng mga mambabatas, hindi awtorisado ng Kamara

“I met with MMDA acting chairman Atty. Romando S. Artes, where we discussed that using unauthorized and illegal special plates should not be tolerated as it threatens public safety and undermines the integrity of the vehicle registration system,” sabi ni House of Representatives Secretary-General Reginald Velasco sa isang pahayag.

Nauna nang sinabi ni Velasco na hindi awtorisado ang mga nasabing plaka at walang ipinamahagi ang House of Representatives.

“The House leadership is committed to upholding the law and ensuring vehicle identification plates’ proper and lawful use,” dagdag pa niya.

Una na ring pinababawi ni Velasco ang mga plakang ‘8’ na nauna nang ipinamahagi noon pa dahil expired na ang mga ito.