Filipino maritime expert nagpaalala sa China: Anlayo niyo sa Ayungin Shoal!

Isang mapa lang ang kinailangan ng abogado at maritime expert na si Jay Batongbacal para ipamukha sa China kung gaano kalayo sa kanila ang inaangkin nilang Ayungin Shoal.

Isang mapa lang ang kinailangan ng abogado at maritime expert na si Jay Batongbacal para ipamukha sa China kung gaano kalayo sa kanila ang inaangkin nilang Ayungin Shoal.

Sa kanyang post sa X (dating Twitter), ibinahagi ni Batongbacal ang isang mapa na malinaw na nagpapakita ng distansya ng China sa Ayungin Shoal.

“Ayungin (Second Thomas) Shoal is a submerged reef more than 1,138 km from China. The spurious and excessive nature of China’s claim to continuous sovereignty and jurisdiction ‘since ancient times’ is about as realistic as a Wuxia movie,” saad ni Batongbacal sa kanyang post.

Ang pag-angkin ng China sa Ayungin Shoal ay sang-ayon sa kanilang nine-dash line, na hindi naman kinikilala ng international law.

Sa kabilang dako, ang layo ng Ayungin Shoal sa Maynila ay 774 kilometro lamang. Mula Puerto Princesa City, Palawan naman ay 316 kilometro na lamang ang distansya nito.