Filipino athletes sa Olympics, 12 na!

Pasok na rin sa 2024 Olympics ang Pinay rower na si Joanie Delgaco.

Pasok na rin sa 2024 Olympics ang Pinay rower na si Joanie Delgaco.

Ngayong Linggo ay nagtapos si Delgaco sa ikaapat na pwesto sa 2024 Asia Oceania Qualification Tournament sa South Korea.

Sapat na ang kanyang pwesto upang masungkit ang Olympic slot.

Nagtala ang 26-anyos na rower ng 49.39 segundo sa nabanggit na torneo.

Si Delgaco ang ika-12 na atletang Pilipino na nakapasok sa Olympics.

Nauna nang makasungkit ng kanilang upuan sa prestihiyosong palakasan sina Levi Ruivivar, Carlos Yulo, Aleah Finnegan, Eumir Marcial, Nesthy Petecio, Aira Villegas, Vanessa Sarno, Elreen Ando, John Ceniza, Kyla Sanchez, Jarrod Hatch, at EJ Obiena.

Una ng sinabi ni Philippine Olympic Committee president Abraham Tolentino na ang mga Pinoy athlete na sasalang sa Olympics ay sasalang sa isang buwan na training camp sa isang world-class na pasilidad.

Ang 2024 Olympics ay ang ika-100 taon ng paglahok ng Pilipinas sa naturang patimpalak.